Ilang Accomplishments ng PNP Cauayan City, Ibinida!

35

Cauayan City, Isabela- Ipinagmalaki ng investigation section ng PNP Cauayan City ang kanilang naging performance ngayong buwan ng Pebrero taong 2020.

Ayon kay PMaj Gerry Valdez, pinuno ng investigation section, nakamit aniya nila ang kanilang target ngayong buwan kung saan ay nakahuli na sila ngayong Pebrero ng kabuuang 11 na wanted persons.


Nasa 3 lamang ang kanilang target na wanted person ngayong buwan subalit hindi pa man natatapos ang Pebrero ay nakahuli na sila ng 5 na wanted.

Mula naman sa dalawa (2) na naitalang heinous crime sa kanilang himpilan, isa (1) rito ay naresolba na.

Kasalukuyan naman sa pagproseso ang iba pa nilang mga accomplishments.

Facebook Comments