Babaeng angkas ng motorsiklo, na-comatose matapos banggain ng kotse

Pasig City – Comatose ngayon ang isang babae habang sugatan ang kaniyang kinakasama matapos banggain ng kotse ang sinasakyan nilang motorsiklo sa bahagi ng Marcos Highway sa Pasig City.

Sa kuha ng isang dashboard camera, mapapanood na binabaybay nina Mark Joseph Belen at Rossana Ugto ang motorcycle lane sa Marcos Highway nang biglang sumulpot ang isang kotse.

Iniwasan ng kotse ang motorsiklo pero nahagip pa rin niya ito dahilan para tumilapon ang dalawa.


Hindi naman tumigil ang kotseng nakasalpok sa dalawa at hindi rin malinaw ang plaka sa kuha ng dash cam.

Ayon kay Police Colonel Rizalito Gapas, hepe ng Pasig Police, malinaw na mga biktima ng reckless driving ang dalawa lalo at nasa tamang lane ang mga ito.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na sa LTO ang mga Pasig pulis para sa ikadarakip ng driver ng kotse.

Facebook Comments