Babaeng binuhusan ng asido sa mukha ng ‘ex’ ng kasintahan, tuluyan nang nabulag

6318
Photo: Glory Cris Cuerda Facebook

Tuluyan nang nabulag ang kanang mata ni Glory Cris Cuerda, ang babaeng sinabuyan ng asido sa mukha ng dating karelasyon ng kanyang kasintahan.

Nakapanayam si Glory nang dumalo ito sa pagdinig ng kaso sa Pasay Regional Trial Court at dito niya inamin na bumigay na nga ang kanyang mata.


Suot ang protection glass sinabi niya, “Itong mata ko talagang isa, bumigay na po. Gagawin po ng doctor tatakpan na po para hindi maimpeksyon. Tapos ito pong isa kong mata tinutuloy namin yung gamot pero may posibilidad daw sabi ng doctor na bumigay kasi sobrang nipis na rin po niya kasi tinutunaw po talaga siya ng chemical na ginamit.”

Nito lamang Hulyo, matatandang kitang-kita sa CCTV footage ng opisinang pinapasukan ni Glory ang pangyayari, kung saan mapapanood na nagmamadali itong lumabas mula backdoor hawak-hawak ang kanyang mata matapos sabuyan ng asido sa mukha.

Ang suspek ay walang iba kundi ang dating karelasyon ng kanyang kasintahan na si Mona Collada na labis umano ang galit at selos kay Glory ayon sa imbestigasyon ng Pasay City Police.

Maaalala ring humingi pa ng tawad si Mona sa biktima dahil sa nagawang krimen.

Samantala, ipapaubaya na ni Glory ang kaso sa kanyang abogado at mangyayari ang susunod na pagdinig sa darating na October 23.

Ayon kay Glory, nais lang niyang gumaling na para makita ang kanyang mga anak at makasama sila.

Facebook Comments

From Advertisers