BABAENG BRGY KAGAWAD SA MABINI, NAG-AMOK

Dumulog sa pulisya ang isang 55 anyos na babae matapos itong masaktan ng isang babaeng Barangay Kagawad sa bayan ng Mabini.

Ayon sa ulat, pumasok sa isang residential house ang suspek at sumisigaw-sigaw, hinahanap ang isang babae.

Nang makita ang babaeng hinahanap nito, dito na nagkainitan ang dalawa na kalaunay humantong sa suntukan. Dito na tumulong ang complainant upang awatin ang dalawa. Bagamat sa halip na matuldukan ang gulo, nadamay din ito.

Sinampal at sinuntok din ito ng Brgy. Kagawad na dahilan sa natamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Dala na ng complainant ng magtungo ito sa pulisya ang Certificate to File Action para sa reklamong Slight Physical Injury laban sa suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments