Babaeng buntis sa Navotas, nanganak sa police mobile

Natulungan ng mga pulis na nakatalaga sa Navotas City Police Station na makapanganak  ang isang ginang na taga Barangay Tanza 2, Navotas City.

Sa ulat ng National Capital Region Office, nagpapatrolya ang mga pulis sa may Barangay Tanza 2, Navotas City nang madaanan ang buntis na babae at kasama nito.

Agad nila itong inalok at isusugod sana sa ospital pero hindi pa nakakarating sa ospital ay nanganak na ang babae ng isang baby boy sa loob ng sasakyan ng mga pulis.


Matapos manganak, nagmamadaling isinugod sa clinic sa Brgy. Tanza ang babae at baby boy nito.

Natuwa naman si NCRPO Chief Maj. Gen. Debold Sinas sa naging aksyon ng mga pulis habang tiniyak na patuloy silang magbibigay serbisyo sa publiko lalo na ngayong umiiral ang Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19.

Facebook Comments