Lalaki, arestado sa pagmamaneho nang lasing, walang helmet at lisensya

Arestado ang isang 49-anyos na lalaki matapos magmaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet at lisensya sa Quezon City.

Kinilala ang arestado na si Oswald Abad, security guard, at nakatira sa Panther St., Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan.

Nagbabantay ang mga pulis sa quarantine control point sa kanto ng Dove at Faithful St., Sitio Veterans, Brgy. Bagong Silangan, nang sitahin ito dahil walang suot na helmet.


Amoy alak pa nang sitahin si Oswald Abad at nakipag-talo pa sa mga otoridad.

Dinala si Abad sa Batasan Police station at kakasuhan ng paglabag sa Anti-drunk driving Law, Resistance and Disobedience to persons in authority, Bayanihan to Heal as One Act, at Driving without license.

Facebook Comments