Inireklamo ng isang police officer ang isang babaeng Chinese matapos na sabuyan siya nito ng iniinom nitong taho sa MRT-3 Boni Station kaninang umaga.
Kinilala ang Chinese na si Jiale Zhang, 23-anyos, isang estudyante at pansamantalang nakatira sa Axis Residences, Pioneer Street, Mandaluyong City.
Habang ang police officer ay kinilalang si PO1 William Cristobal miyembro ng PNP Regional Mobile force Battalion.
Sa ulat ng Mandaluyong City Police Office, alas 8:30 ng umaga kanina, habang papasok ang Chinese national sa loob ng MRT Boni station ay hinarang ito ng security guard at pulis para sabihing bawal ang kanyang bitbit na taho.
Pero sa halip na sumunod ay tinarayan pa nito ang security guard at pulis, laking gulat pa nang pulis nang biglang isaboy sa kanya ang iniinom nitong milk tea.
Isang Pau Mesias ang nag-post sa Facebook ng mga larawan kung saan makikitang kumalat sa katawan ng pulis ang isinaboy nitong taho na ngayon ay trending sa Facebook.
Sa ngayon nahaharap ang suspek sa direct assault.