Babaeng Chinese na nag-amok sa Makati, planong ipa-deport ng BI

173

Plano ng Bureau of Immigration (BI) na ipa-deport ang babaeng Chinese na nag-viral sa Social Media matapos manakit ng biker at nandura pa ng awtoridad sa lungsod ng Makati.

Inirekomenda ng Intelligence Division ng BI na maghain ng deportation case laban kay Dong Li.


Nalaman din ng BI na isang turista ang banyaga at hindi pa updated ang kanyang status sa bansa.

Bukod dito, sinisilip din ng BI na sampahan ng reklamong overstaying at undesirability ang babaeng Chinese.

Una nang nagsampa ng kasong kriminal laban kay Dong Li sa Makati City Prosecutor’s Office.

Facebook Comments