4 na LSI pinakahuling nagpositibo sa COVID-19 sa Cotabato City

20

Kinumperma ni City Health Officer Dr. Meyasser Patadon na 4 mula sa 17 LSIs na nakaavail sa Hatid Tulong Initiative program ay nagpositibo sa Corona Virus Disease.

Itoy matapos isailalim sa swab test noong araw ng huwebes at sabado na ng lumabas ang resulta dagdag pa ni Dr. Patadon.


Kinabibilangan ito ng magkakaanak na umuwi mula San Miguel Manila, isang 48 anyos na ama at ang mga anak nitong 13 anyos na lalaki at 9 anyos na batang babae, habang nagpositibo rin ang 29 anyos na babae .

Halos wala namang nararamdamang mga sintomas ang mga pasyente at patuloy na nasa isolation Center ng Cotabato City.

Kaugnay nito, bagaman may mga panibagong kaso ng COVID -19 sa Cotabato City, nagpapasalamat pa rin ang City Health Office na walang naitalang local cases sa halos 3 linggo sa syudad bukod sa mga umuwing LSIs.

Facebook Comments