Nakitaan ng Department of Justice (DOJ) ng probable cause para kasuhan ang consignee ng 31 kilograms ng shabu na nagkakalaga ng mahigit dalawandaang milyong piso na nakumpiska sa Pasay City.
Ayon sa DOJ, mahaharap sa kasong Importation of Dangerous Drugs, paglabag sa comprehensive Dangerous Drugs Act, at Unlawful Importation or Exportation ang suspek na nakilalang si Christine Tigranes.
Batay sa impormasyon, si Tigranes na residente ng Balingasa, Maynila ang claimant ng iligal na kontrabando na ipinadala mula sa Zimbabwe na kinilalang si Isaac Chikore.
Tumambad sa mga tauhan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ang apat na parcels na idineklara bilang mga muffler pero nang suriin ay mga iligal na droga pala ang laman nito.
Muling nagbabala si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi titigil ang kagawaran sa pagsugpo sa iligal na droga.