Babaeng deboto ng Itim na Nazareno, nabalian; Isa naman, hinimatay!

85

Nasa maayos nang kondisyon ang isang babaeng deboto ng Puong Itim na Nazareno matapos na mabalian ng braso.

Batay sa impormasyon, sinabing nakatukod umano ang babae sa may railings habang namimigay ng libreng tubig nang maganap ang disgrasya sa Quezon Blvd.


Samantala, isang 50-anyos na lalaki naman ang hinimatay habang nagdarasal sa bahagi ng Plaza Miranda.

Sa ulat ay bigla na lamang itong bumagsak at nauntog nang humampas ang ulo sa semento.

Agad namang rumesponde ang mga pulis mula sa Mandaluyong at dinala sa pagamutan.

Facebook Comments