Babaeng Estudyante sa Cauayan City Isabela, Nahuling Nagnakaw sa Loob ng Malaking Mall!

Cauyan City, Isabela – Arestado ang isang studyante matapos magnakaw sa loob ng isang malaking mall dito sa lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang suspek na si Kimberly Alejandro, dalawamput isang taong gulang at residente ng Brgy. Tagaran, Cauayan City.

Sa reklamong ipinarating sa himpilan ng pulisya ay nakitang kahinahinala ang galaw ni Alejandro sa loob ng mall at nang papalabas na sana ay walang naipakitang resibo sa mga hawak na bagay na nakalagay sa isang plastic bag ng mall.


Nakuha sa laman ng plastic bag ang pitaka na nagkakahalaga ng walumpu’t siyam na piso; ball pen na nagkakahalaga ng mahigit pitumpung piso; isang G-tec C3 na nagkakahalaga ng mahigit din sa pitumpung piso at isang pares ng pantalon na nagkakahalaga ng mahigit anim na raang piso.

Samantala nasa himpilan na ng PNP Cauayan City si Alejandro para sa karagdagang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments