Babaeng extortionist, inaresto ng CIDG sa Quezon City

Handcuffs

Huli ang isang 29-anyos na babae dahil sa pangongotong sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Philippine National Police Crime Investigation Detection Group (PNP-CIDG).

Kinilala ang babae na si Jonna Mae Moneva na inireklamo nang isang 39-anyos na negosyanteng si Domingo Mejia.

Sa ulat ng PNP-CIDG, nagpakilala ang naarestong suspek sa biktima na Certified Public Accountant (CPA) at BIR examiner kaya tinanggap sya nang biktima sa isang project para i-proseso ang naantalang Security and Exchange Commission (SEC) application.


Nagbigay naman ang biktima sa suspek nitong August 10 ng halagang 58,000 pesos para sa SEC processing fee at nangako raw ito sa loob ng dalawang araw matatapos ang application.

Nang maibigay ng biktima ang pera sa suspek ay saka nila nalaman sa social media na inirereklamo ito.

Kaya nang tumawag ang suspek sa biktima noong August 22 at nanghihingi ulit ng 12,000 pesos ay dito na sya nahuli ng mga tauhan ng CIDG.

Sa ngayon nahaharap na si Moneva sa kasong Robbery (Extortion) at Estafa.

Facebook Comments