Babaeng Guro at Batang Lalaki, Patay ng Banggain ng Tren ang Isang UV Express Van sa Libmanan, Camarines Sur

36

Patay ang isang guro at 12-year old na batang lalaki matapos aksidenteng mabanggaan ng tren ang isang UV Express Van sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur, kahapon ng umaga. 15 na iba pa ang nasaktan sa nabanggit na pangyayari.
Kinila ang mga namatay na sina Teacher Glenda Ravago at ang 12-year old na si Jaime Victor Olarte na residente ng bayan ng Sipocot, katabing munisipyo lamang ng Libmanan.
Ayon sa report, tumatawid sa riles ng tren ang van nang banggain ito ng humaharorot na tren bandang 11:30 ng umaga kahapon. Sa lakas ng impact, tumapon pa ng halos 10 metro ang Van.
Kinilala naman ang 2 operaqtor ng tren na sina Ian Berina at Domingo Medroso.
Photos by LIBMANAN PNP




Facebook Comments

From Advertisers