Babaeng ipinuslit sakay ng isang Closed Van, Iniimbestigahan

Cauayan City, Isabela-Agad na dinala sa inilaang quarantine facility ng Rural Health Unit 1 ang isang 50-anyos na ginang na residente ng Brgy, San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa ulat, sakay ang nasabing ginang ng isang puting closed van na ngayon ay hindi pa rin matukoy ang plate number ng nasabing sasakyan na nagmula sa metro manila at pinaniniwalaang umiwas sa inilatag na checkpoint sa bayan ng Cordon.

Sinundo naman agad ng rumespondeng mga health authorities ang ginang sa harap ng kilalang fast-food chain sa pamilihang lungsod para sa pagsasailalim sa quarantine protocols.


Isang nagngangalang ‘Joseph’ mula sa Tuguegarao City ang sinasabing nag-arkila sa closed van sa pamamagitan ng online transaction sa metro manila habang hindi pa rin matukoy ang pagkakakilanlan ng driver at helper ng nasabing sasakyan.

Facebook Comments