Mayor ng Maddela sa Lalawigan ng Quirino, Nagbitiw na sa Pwesto

51

Cauayan City, Isabela-Nagbitiw na sa pwesto bilang alkalde ng bayan ng Maddela sa lalawigan ng Quirino si Florante Ruiz o mas kilala bilang ‘PONG’ ng kanyang mga kababayan.

Si Mayor Ruiz ay nagbitiw sa tungkulin dahil sa kanyang iniindang karamdaman sa kalusugan kung saan parte na rin ng kanyang panunungkulan sa mahabang panahon ang ilang posibleng dahilan ng kanyang sitwasyon sa kalusugan.

Sa pagbaba sa pwesto ni Ruiz, papalitan ito ng kasalukuyang vice mayor na si Rimel’ Lippuok’ Tolentino bilang alkalde ng nasabing bayan.

Si Tolentino ay pansamantalang maitatalaga bilang officer-in-charge habang wala pang pinal na desisyon mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Samantala, nagbitiw na rin bilang Municipal Administrator si Joel Badongen na bahagi ng co-terminus ng dating alkalde.

Maitatalaga naman bilang OIC vice mayor ang abogado na si Junard Ramos na unang konsehal sa nasabing bayan.

Facebook Comments