Babaeng kabilang sa drug watch list sa Marikina, arestado

Timbog ang isang babae sa lungsod ng Marikina matapos isagawa ang buy bust operation kahapon.

Nakilala ang suspek na si Chaibeth Pitas Triñanes, alyas “Beth,” 42-anyos.

Nakuha mula sa kanya ang isang gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P6,800.


Batay sa ulat ng Marikina Police, ginagawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Tanguile St. corner Kawayan Village, Brgy Fortune, Marikina City matapos makumpirama ang illegal na gawain ng suspek.

Napagalaman din na ang suspek ay kabilang sa drug watch list ng Marikina PNP.

Nakakulong na ang suspek at nahaharap ito sa kasong paglabag sa Anti-Illegal Drugs Act of 2002.

Facebook Comments