Babaeng kadete, nanguna sa PMA “Masidlawin” Class of 2020

Topnotcher ng Philippine Military Academy (PMA) “Masidlawin” Class of 2020 ang isang babaeng kadete na mula sa Echague, Isabela.

Kinilala bilang number one sa 196 na kadete, si Cadet First Class Gemalyn Sugui na tatanggap ng Presidential Saber, ang pinakamataas na Achievement Award for Academic Excellence.

Top 2 naman si Cadet First Class Jade Villanueva mula Tacloban City na tatanggap ng Vice Presidental Saber;


At top 3 si Cadet First Class Jefferson Salazar ng Zamboanga City na tatanggap ng Secretary of National Defense Saber.

Kabilang din sa top ten na sina: Cadet First Class Rotes Gaile Jamandre ng Lamut, Ifugao; Cadet First Class Jeb Bay-an ng La Trinidad, Benguet; Cadet First Class Catabay Ladyong ng Tabuk, Kalinga; Cadet First Class Vanelyn Angel Tabao ng Tuguegarao City; Cadet First Class June Giel Anne Factor ng Piddig, Ilocos Norte; Cadet First Class Rubenson Abgao ng Maliwanag Baroy, Lanao del Norte; at Cadet First Class Dencel Aina Bayaca ng Floridablanca, Pampanga.

Si Cadet First Class Marion Dale Cordova ng Nagcarlan, Laguna na siyang Brigade Commander ng the Cadet Corps of the Armed Forces of the Philippines (AFP) ay tatanggap naman ng Chief of Staff Saber at Achievement Award for Leadership.

Mamayang hapon gagawin ang graduation sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Facebook Comments