Babaeng kinidnap ng asawa, nasagip dahil sa iniwang sulat sa kahon ng pizza

1347

Nauwi sa pagkakasagip sa isang babae sa Texas na kinidnap at minaltrato umano ng sariling asawa ang sulat na ipinaabot sa empleyado ng isang pizza joint, ayon sa pulisya.

Naabutan ng pulisya ang 32-anyos na babae na nakagapos at nakabusal sa kanilang bahay sa Chamberino, New Mexico, ayon kay Carlos Enriquez, police chief ng Anthony, Texas.


Isinagawa ang imbestigasyon matapos makatanggap ang pulisya ng tawag mula sa Domino’s Pizza.

Palihim daw na nag-abot ng papel ang isang customer kung saan nakasulat na inaabuso siya ng kanyang asawa.

Nangyari ito nitong Lunes, Hulyo 22 nang pinayagan umano ang biktima ng kanyang asawa na lumabas para kunin ang order nilang pizza.

Nang mapag-alaman na walong milya mula sa Chamberino ang babae, nakarating ang pulisya sa bahay nito, ala-una ng madaling araw, Martes.




Huli sa akto ang asawa nitong si Roberto Dominguez, 22-anyos, na inaabuso ang babae.

Agad namang inaresto ang suspek na nahaharap sa kasong domestic violence at kidnapping.

Facebook Comments