Bea Alonzo nagsalita na kaugnay sa totoong estado nila ni Gerald Anderson

2158
Image via NicePrint Photography

Isang matinding rebelasyon ang ibinunyag ni Bea Alonzo kaugnay sa totoong estado ng kanilang relasyon ni Gerald Anderson.

Sa presscon ng kaniyang upcoming teleserye nitong Biyernes, sinabi ng aktres na bigla siyang hindi kinausap ni Gerald.


To my understanding, we did not break up. He just started not talking to me,” paglilinaw ni Bea sa mga mamamahayag kung totoong hiwalay na sila.

Gayunpaman, matapang na inilahad ni Bea na siya ay “moving forward” sa kabila ng mabigat na pag

“At saka, siyempre, hindi ako puwedeng magpaipokrita, dagdag pa niya.

Humingi din ng paumanhin si Bea sa mga co-stars at direktor ng soap-operang pagbibidahan dahil sa mga binabanggit niya.

Pahayag pa ng Kapamilya star, hindi dapat dinadala ang personal na problema sa trabaho.




“I feel like I’m a strong woman. And feeling ko pinalaki ako ng ABS-CBN na professional and I always have to show up regardless of whatever’s happening in my life.”

Taos-puso rin ang pasasalamat ni Bea sa pagmamahal at suportang ipinapakita ng mga kaibigan.

Kuwento ng celebrity, nagugulat siya na maraming nagpapadala ng bulaklak at nagtetext para kumustahin siya.

Pinag-uusapan ng publiko ang dalawa matapos mag-post si Bea ng itim na litrato na simbolo ng paulit-ulit na pagkakamali ng isang tao.

Matatandaang dawit din sa kontrobersiya si Julia Barretto dahil napansin ng netizens na ni-like ni Bea ang ilang IG post na magkasama umano ang batang aktres at si Gerald.

Sa ngayon, tikom pa rin ang bibig nina Gerald at Julia.

Facebook Comments