Babaeng may Kasong Libel sa Ilagan City Isabela, Arestado!

City of Ilagan, Isabela – Nahaharap sa kasong libel ang isang ginang matapos arestuhin ng mga otoridad kaninang umaga sa Brgy. Sta. Isabela Sur, Ilagan City, Isabela.

Sa bisang warrant of arrest ay nahuli si Mylene Directo, tatlumpu’t isang taong gulang, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Ipinalabas naman ni hukom Isaac De Alba ng RTC Branch 16 ng City of Ilagan, Isabela ang paghuli sa akusado kung saan makakalaya lamang si Directo kung makakapaglagak ng piyansa na sampung libong piso.


Ang akusado ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kakukulang disposisyon.

Facebook Comments