Magsasaka sa Benito Soliven Isabela, Hinuli Dahil sa Kasong Frustrated Homicide!

Benito Soliven, Isabela – Hinuli kahapon ang isang magsasaka dahil sa kasong Frustrated Homicide sa Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Aurlio Sagun, tatlumpu’t pitong taong gulang, binata, isang magssaka at residente ng Sitio Ara, Brgy. District 1, Benito Soliven, Isabela.

Ang pagkakahuli ni Sagun ay sa pamamagitan ng mga elemento ng Benito Police Station sa isinilbing warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 ng City of Ilagan.


Makakalaya lamang si Sagun kung makakapaglagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng pitumpu’t dalawang libong piso (Php72,000.00).

Samantala nasa himpilan na ng pulisya ang akusado para sa dokumentasyon bago sa court of origin nito.

Facebook Comments