Babaeng may kinahaharap na reklamong estafa at papalabas na sana ng bansa, naharang sa NAIA

Arestado ang isang 50 year old na babae matapos na maharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isinagawang joint operation ng Criminal Investigation and Detection Group o CIDG at PNP-AVSEGROUP na-flag ng Bureau of Immigration o BI sa international departure area ang suspek na pasakay na sana patungong Singapore.

Ayon sa mga awtoridad, ang babae ay nasa ilalim ng active warrant of arrest para sa kasong estafa.

Kung kaya agad nakipag-ugnayan ang PNP-AVSEGROUP sa CIDG para sa maayos na pag-aresto at walang pagtutol.

Samantala, kasalukuyan namang nasa kustodiya na sa Kampo Krame ang naturang suspek para sa dokumentasyon at kaukulang legal na pagproseso.

Facebook Comments