Babaeng may pinakamahabang kuko sa kamay, pasok sa 2018 Guinness World Records

78

*Panghimagas* – Nagawa ng isang nail artist mula Texas na mapasama sa 2018 Guinness World Records.

Nakuha kasi ni Ayanna Williams ng Houston ang bagong record para sa may pinakamahabang mga kuko sa kamay ng isang babae na umabot sa 576.4 centimeter.

Ayon kay Williams, 20 taon niyang pinatubo ang kaniyang mga kuko.

Inaabot aniya siya ng 20 oras at nakakaubos siya ng 2 bote ng nail polish para sa kanyang mga kuko.

Para naman masigurong hindi mababali ang mga ito ay hindi siya naghuhugas ng pinggan at ingat na ingat rin siya kapag natutulog.

Mas mahaba ang mga kuko ng dating may hawak ng world record holder na si Chris Walton ngunit pinutol na niya ang mga ito kaya napunta na kay Williams ang titulo.

Facebook Comments