Babaeng may sakit umano sa pag-iisip, patay sa pananambang

297

Patay sa pananambang ang isang babaeng sinasabing may problema sa pag-sa Brgy. Picas Norte, Javier, Leyte nitong Linggo, Mayo 17.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rocel Lucero, 41-anyos, residente ng Barangay Malaguicay, sa bayan ng Abuyog.


Base sa imbestigasyon, nakaupo lamang ang biktima sa barangay tanod outpost, nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilang suspek, pasado alas-11 ng umaga.

Lulan ang mga suspek ng kulay maroon na SUV at dumiretso sa direksyon ng bayan ng MacArthur, sa parehong lalawigan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang apat na basyo ng bala, isang slug, at isang metal fragment ng kalibre.

Naisugod pa ang babae sa pinakamalapit na pagamutan pero binawian din ng buhay kinalaunan.

Patuloy na inaalam ng awtoridad ang motibo ng mga suspek.




Facebook Comments