BABAENG MIYEMBRO NG COMMUNIST FRONT ORGANIZATION, NAKUMBINSING SUMUKO SA AWTORIDAD

Dahil pinagsama-samang pwersa ng kapulisan, kasundaluhan at mga opisyal ng Brgy. Telbang sa Lungsod ng Alaminos, matagumpay na sumuko ang isang babaeng miyembro ng Communist Front Organization.
Ang babae ay isang 33-anyos at residente ng nabanggit na Barangay.
Base sa impormasyon ng awtoridad, dati itong Deputy Secretary General of College Editors Guild of the Philippines kung saan ang babae ay kabilang sa listahan ng Philippine National Police Periodic status Report (PSR).

Dahil sa ginawa nitong pagsuko, agad itong sumailalim sa debriefing at pumirma ng Pledge of Allegiance to the Philippine Government.
Binigyan naman ito food package at tulong pinansyal mula sa LGU ng nasabing Lungsod upang magsimula ng bago at mapayapang buhay.
Naging posible ang pagsuko nito dahil sa patuloy na programa ng kapulisan na Revitalized PNP Kasimbayanan, o ang “Kapulisan, Simbahan at Pamayanan”.
Hinikayat naman ng Pangasinan Police Provincial Office ang lahat ng miyembro ng CFO na sumuko na at magsimula ng bagong buhay at i-renew muli ang kanilang katapatan sa gobyerno. |ifmnews
Facebook Comments