MGA KANDIDATA PARA SA LIMGAS NA BALEY SA BAYAN NG LINGAYEN, OPISYAL NG IPINAKILALA

Labing tatlong naggagandahang kandidata ang opisyal na ipinakilala sa publiko para sa Limgas na Baley 2024 matapos idaos ang Sashing Ceremony sa Bayan ng Lingayen, kahapon ika-9 ng Oktubre, 2023.
Dumaan ang mga kandidata sa proseso ng screening session at kalaunay nakamit ang mga criteria at requirements base sa deliberasyon ng screening panel bago pormal na ipakilala bilang opisyal na kandidata.
Mula sa ibat ibang barangay sa Bayan ng Lingayen ang nagpagalingan sa pagpose at pagproject sa kanilang dalang confidence at taglay na ganda ng katawan, maging ng kanilang adbokasiya para sa bayan at mamamayan.

Samantala, nakatakdang magkaroon ng pre-pageant sa darating na Disyembre 8, 2023 upang magtagisan ang mga kandidata sa ganda, galing at talento, habang sa ika-2 ng Enero, 2024 naman ang coronation night para sa tatanghaling Lingayen Limgas na Baley 2024. |ifmnews
Facebook Comments