Isang babae sa Nanning, China ang bumili ng parking lot na nagkakahalagang 200,000 yuan o Php 1.5 milyon para sa kaniyang sasakyan.
Sa Pilipinas, ang halagang P1.5 milyon ay pwede nang makakabili na ng kotse, condo o bahay.
Sa China, umaabot ang mga lote ng hanggang milyon na yuan.
Nang subukan ng babae na lumabas sa pinto ng kotse ay hindi siya nagkasya sapagkat sobrang sikip ng espasyo dahil halos magkatabi na lamang ang pintuan ng sasakyan at pader.
Dumaan na lamang babae sa sunroof o bubong ng kotse para makalabas.
Sinubukang kunin ng babae ang tax refund ngunit tinanggihan siya nito.
Nagsagawa na ng legal na aksyon ang babae sa insidente.
Ayon sa local regulations, dapat ay mayroong higit-kumulang na 60cm ang espasyo upang makalabas ang driver sa parking space.