Babaeng nagbebenta umano ng pekeng prangkisa at plaka sa Taguig – arestado!

Taguig – Arestado ang isang babaeng nagbebenta umano ng mga pekeng prangkisa at plaka ng mga pampublikong sasakyan sa Taguig.

Kinilala ang suspek na si Amelita Amorin na natimbog sa entrapment operation matapos siyang isumbong ng tatlong nabiktima niya.

Ayon sa tatlong complainant na sina Arlene Mercadera, Roberto De Sotto, at Ronnie Samonte, humingi sa kanila ng P40,000 ang suspek para sa pagsasaayos ng prangkisa at plaka.


Mariing itinanggi ng suspek ang mga paratang sa kanya at iginiit na wala siyang natatanggap na ganoong kalaking pera mula sa mga ito.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Southern Police District Headquarters sa Taguig si Amorin habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang kaso.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments