BABAENG NAGBIBISIKLETA, NASAWI MATAPOS MABANGGA NG LASING NA RIDER

Nabangga ng isang rider ang Isang babaeng nagbibisikleta sa Barangay Salvacion, Sto. Tomas, Pangasinan.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang isang 26-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Kisikis, Alcala, Pangasinan kasama ang kaniyang backride nang aksidenteng mabangga ang biktima.

Dahil sa matinding banggaan, parehong nagtamo ng matinding sugat ang dalawa at agad na isinugod sa ospital.

Idineklarang dead on arrival ang siklista. Ayon sa pulisya, nakainom ang rider at backride nito. Sa ngayon, patuloy na inaalam ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasawing biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments