JUNK FOOD WRAPPERS, IRERECYCLE PARA GAWING UNAN

Sinong mag aakala na pwede palang maging kapaki-pakinabang ang mga junk food wrappers at gawin itong unan?

‘Yan ang naisipang gawin ng Rotaract Club of Metro Malasiqui sa pakikipagtulungan ng Kareen Alcantara Domantay Elementary School at Bakitiw Elementary School sa kanilang proyektong “MaPa” May Pag-asa sa Basura.

Ang mga Grade 1 to Grade 6 na mag-aaral ng dalawang paaralang ito ay siyang mangongolekta ng mga junk food trash na matapos linisin ay kanilang gugupit-gupitin at ilalagay sa recycled material kagaya ng supot ng harina para maging unan.

Ayon kay Ella Villobrez, presidente ng Rotaract Club of Metro Malasiqui, ang kanilang inisyatibo para sa proyektong ito ay malaking tulong sa kalikasan.

Nagsimula na ang proyektong ito noong nakaraang February 14 at magtatapos ngayong March 28.

Ang 697 students na makikiisa sa programang ito ay tiyak na matututo kung paano mag reduce, reuse, at recycle dahil sa programang ito, dagdag skills din dahil sila mismo ang gagawa at mag re-repurpose ng mga basurang makokolekta.

Dagdag pa si Villobrez, ang MaPa sa Basura ay kanilang paghahanda para sa darating na buwan ng Abril para sa selebrasyon ng Environmental Month at ika-apat na taon ng kanilang organisasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments