Babaeng nagjo-jogging, nakakita ng pugot na ulo sa tabing kalsada

6795
PHOTO: St. Petersburg Police Department

Nakadiskubre ng pugot at nabubulok na ulo ng tao ang isang babaeng nagjo-jogging sa Florida, USA.

Agad ipinabigay-alam sa awtoridad ng hindi pinakilalang jogger ang nakita niyang ulo sa St. Petersburg, Martes ng umaga, ayon sa pulisya.


Sa ulat ng Tampa Bay Times, ‘di umano matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan o maging kasarian ng biktima dahil nabubulok na ang labi.

Hinala ng awtoridad, hindi sa lugar namatay ang biktima, at marahil ay inilagay lang roon ang ulo mga dalawang araw bago ito nadiskubre.

Ngunit ayon sa jogger, hindi niya ito nakita noong Linggo kung kailan tumakbo rin siya sa parehong daan.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng pulisya na maaaring napagkamalan lang ng mga dumadaan na hayop ang nakitang ulo kaya hindi agad naiulat.

“A lot of people might have thought it was just an animal but she perceived it really did look like a human,” anang opisyal.




Isinara na muna ang lugar habang iniimbestigahan ang pinagmulan ng pugot na ulo.

Facebook Comments