Babaeng nagnanakaw daw sa tindahan, tinumba ng riding in tandem

403
Image from Bayawan City Police Office

Patay ang isang babaeng pinaghihinalaang magnanakaw makaraang pagbabarilin ng riding in tandem nitong Huwebes ng umaga sa Brgy. Poblacion, Bayanan City, Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Gina Ortega Parajinog, 53, residente sa Brgy. Lantad, Silay City, Negros Occidental.

Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang ginang sa kalye ng CM Recto nang biglang barilin sa likod ng mga suspek na lulan ng motorsiklo.


Natagpuan sa crime scene ang dalawang basyo ng bala ng .9MM na baril.

Ayon sa pulisya, sangkot noon ang biktima sa serye ng nakawan sa Sta. Catalina, Negros Oriental. Napag-alamang din kalalaya lamang ni Parojinog dahil sa kasong qualified theft.

“I’m still having her records complied to check where she’s really from so we can verify with our counterparts what the problem of this Gina Paroinog really is. Our record of here is that she is a leader of a salisi group and estafa. That’s her record here in Negros Oriental,” pahayag ni Police Colonel Julian Entoma, direktor ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO), na isinalin sa wikang Ingles.



Inaalam pa ng awtoridad kung may kinalaman ito sa motibo ng krimen.

Facebook Comments