Enero 31, 2020, Idineklarang Special Non-Working Holiday sa Lungsod ng Cauayan at Ilagan!

Cauayan City, Isabela- Idineklara ng pamahalaang lungsod ng Cauayan at Ilagan bilang Special non-working holiday bukas, Enero 31, 2020.

Batay sa Executive Order no. 06 na nilagdaan ni Cauayan City Mayor Bernard Dy, walang pasok ang mga nasa pampublikong tanggapan sa Lungsod maging sa Lungsod ng Ilagan.

Ito ay upang mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga Cauayeño at Ilagueño na makiisa at mabigyan ng suporta ang mga kalahok sa Bambanti Festival ngayong taon.


Magtatapos bukas ang Bambanti Festival kung saan ay magkakaroon ng konsyerto ang mga artista na sina Piolo Pascual, K Brosas at Kakai Bautista na susundan ng grand fireworks display bilang pagtatapos.

Facebook Comments