Babaeng nagpakasal kahit may stage 4 cancer, pumanaw na

3283
Image via Mica Yago

Pumanaw na si Rea, ang babaeng viral na mayroong stage 4 gastric cancer, na nagpakasal sa nobyong si Gabriel sa Toboso, Negros Occidental.

Ibinahagi ito ni Mica Yago, na namatay na si Rea nitong 5:30 ng umaga sa kanilang mumunting tahanan kasama ang asawang si Gabriel at pamilya nito.


Nag-viral ang pag-iibigan ni Rea at Gabriel matapos ibahagi ni Mica ang larawan mula sa kanilang kasal noong Hulyo 14 sa San Antonio de Padua Church.

Ipinahayag din ni Mica na katuwang siya sa preparasyon ng dalawa. Nitong nakaraang taon namna na-diagnose ang malubhang sakit ni Rea.

Nakisimpatya naman ang mga netizen sa pagpanaw ni Rea na kanilang ibinahagi sa social media. Hiniling ni Rea na ikasal kay Gabriel sa kabila ng matinding karamdaman nito.

Facebook Comments

From Advertisers