Babaeng nagpaputok ng baril sa libing sa Mapandan Pangasinan, arestado

Inaresto ang isang babae sa Barangay Poblacion Mapandan Pangasinan matapos magpaputok ng baril sa libing ng kaniyang kapatid.
Kasong alarm at scandal ang isinampa sa suspek na kinilalang si Marife Hall, 49 anyos.
Ayon sa report ng pulisya, huli sa aktong pagpapaputok ng dalawang beses ng kaniyang baril ang suspek sa libing ng kapatid nito.
Wala namang naipaulat na nasaktan sa insidente , narekober ang isang 9mm, isang magasin na naglalaman ng labingdalawang bala at dalawang basyo ng bala.
Wala umanong maipakitang papeles ang suspek ng License to Own and Posess Firearm na kailangan ng isang sibilyan.
Nasa kustodiya na ng PNP Mapandan ang suspek.
###

Facebook Comments