NCRPO, kinumpirma na inaresto ang mataas na pinuno ng NPA dahil sa patong-patong na kaso ng murder

Inihayag ni NCRPO acting chief Brig. Gen. Debold Sinas na inaresto nila si Jaime Padilla, ang tagapagsalita ng NPA sa Timog Katagalugan dahil sa kinakaharap nitong multiple counts ng murder.

Sa pulong balitaan sa QCPD, Sinabi ni Sinas na nagpapagamot Ang 60 anyos na si Padilla sa Cardinal Santos Memorial Medical Center sa San Juan City dahil sa hypertension nang silbihan siya ng warrant of arrest.

Pero, idineklara ng mga doktor na maayos na ang kalagayan nito.


Inaalam na ng NCRPO ang background ng tatlong iba pa na kasama niyang naaresto.

Sinisiyat na rin ang ginamit nilang sasakyan para alamin kung may mga nakatagong mga armas.

Facebook Comments