Babaeng nagtahi ng 100 face masks para sa health care workers sa US, sawi matapos maaksidente

Nasawi ang 10-anyos na babae mula Texas, US na kinilala matapos itong maghandog sa isang ospital ng mga sariling tahing face masks para sa ilang health care workers sa gitna ng COVID-19 crisis.

Sa report ng local outlet KTXS, namatay si Lexi Brooke Collins nang mabangga ang sinasakyang ATV noong Biyernes.

Dahil sa trahedya, ibinahagi ng Anson General Hospital sa Facebook ang ilang larawan ng mga makukulay na katha ni Lexi noong gabi nang mangyari ang insidente.


Nakadikit pa umano ang isang sulat mula sa bata na may mensaheng, “Thank you for all you do!”

Pare-parehong nurses ang nanay, lola, tito at tita ni Lexi ayon kay Karen Logan, konsehal ng kanilang lugar.

“She was bright, talented, wise beyond her years, but overall had the most precious spirit I’ve ever know. She was always smiling,” aniya.

Kwento naman ng ina niyang si Jara Grey Collins, “She was the best person I knew, and I will miss her every second of every day for the rest of my life! Thank you Lord for choosing me to be her Mom, I truly don’t know what I did to deserve the honor!”

Samantala, naghatid naman ng pasasalamat ang pamilya ni Lexi sa lahat ng nagmahal dito.

Facebook Comments