Resulta ng imbestigasyon ng NBI laban sa mga ospital na tumangging mag-admit sa namatay na senior citizen, hawak na ng DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na natanggap na nito ang resulta ng imbestigasyon  ng Ntional Bureau of Imbestigation (NBI) laban sa mga ospital na tumangging i-confine ang namatay na senior citizen sa Nueva Ecija.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ipinauubaya na niya sa National Prosecution Service ang pag-imbestiga laban sa respondents sa reklamo.

Nabatid na anim na pribado at pampublikong ospital sa Cabanatuan ang tumanggi kay Ladislao Cabling at kalaunan ay binawian ito ng buhay.


Ang 65 yrs old na pasyente ay binawian ng buhay nang hindi man lamang naisailalim sa COVID-19 test lalo nat ito ay may hika.

Facebook Comments