Inaresto ang isang 34-anyos na babae matapos madiskubre ang mga itinagong droga sa durian na sinubukang ipuslit sa Subang Airport, Malaysia.
Ayon sa mga opisyal ng customs department, tinangkang ilabas ng bansa papuntang Hong Kong ang 20 kahon na polystyrene foam na naglalaman dapat ng frozen durian.
Apat sa 20 kahon ang nakitaan ng mga durian na may lamang puting maliliit na kaha na ibinalot sa plastic sa isinagawang inspeksyon sa isang cargo company sa aiport noong Oktubre 14.
Tinatayang nagkakahalaga ng RM953,529 (P11 milyon) ang 6.13kg ng hinihinalang heroin ang nakumpiska.
Nasa kustodiya ng pulisya ang babae habang gumugulong ang imbestigasyon.
Facebook Comments