Babaeng nakaposas, patay matapos barilin sa QC

Isang babaeng nakaposas ang natagpuang patay matapos barilin sa Quirino Highway, Barangay Balon Bato, Quezon City kagabi.

Base sa ID ng biktima , 39-anyos ito at naninirahan sa DasmariƱas Cavite at nakasuot ng pulang damit at itim na shorts na nagtamo ng dalawang tama ng baril sa ulo.

Ayon sa awtoridad, nakarinig umano sila ng dalawang putok ng baril bago matagpuan ang babae malapit sa katabing fly-over ng barangay.


Bandang 10:30 ng gabi umano nakatanggap ng report ang pulisya.

Wala namang nakuha ang CCTV sa nangyaring pamamaril.

Facebook Comments