Gilas Pilipinas, may pag-asa pang makapasok sa 2020 Tokyo Olympics  

Muling nabuhayan ng loob ng Gilas Pilipinas dahil may paga-asa pa silang makapasok sa 2020 Tokyo Olympics.

Natalo kasi ang China kontra Venezuela kagabi sa iskor 72-59 kung saan hindi nakalusot ang host country sa next round.

Target ng Gilas na makuha ang Asian Olympic Spot pero kailangan na nilang maipanalo ang lahat ng laro nila sa classification round .


Mahigpit nilang makakalaban ang China na may isa nang panalo.

Facebook Comments