Babaeng nakasakay sa loob ng kotse sa QC, nahablutan ng cellphone

Manila, Philippines – Nahablot ng hindi nakilalang salarin ang cellphone ng isang babae habang nakasakay sa loob ng kotse sa Quezon City.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng biktimang si Sunshine Ingco, 32-anyos ang southbound lane ng North Avenue sakay ng isang kotse.

Huminto siya sa stop light sa may kanto ng Mindanao Avenue at North Avenue saka binuksan ang bintana pero hindi niya napansin na papalapit na pala sa kanya ang isang lalaki na nakasuot ng puting t-shirt at basketball short.


Nagulantang na lamang ang biktima na mabilis na pinasok ang kamay ng suspek sa loob ng sasakyan at sabay hablot sa kanyang cellphone.

Inaalam na ng pulisya kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ng insidente.
DZXL558

Facebook Comments