NBA Update

NBA – Abante sa 3-2 ang serye sa pagitang ng Toronto Raptors at Milwaukee Bucks sa first round ng Eastern Conference Playoffs.

Nanalo ang Raptors sa score na 118-93 kung saan nanguna sa panalo si Norman Powell na may 25 points habang nag-ambag naman si Kyle Lowry ng 16-points at 10-rebounds.

Ayon kay toronto coach Dwayne Casey, naging susi sa kanilang panalo ang team work at hustle plays kaya’t anim sa kanilang players ay mayroong double digit.


Nadismaya naman si Bucks coach Jason Kidd sa naging performance ng kaniyang mga players partikular na sa depensa.

Samantala, tabla naman na sa 2-2- ang serye sa pagitan ng Atlanta Hawks at Washinton Wizards matapos na manalo ang Hawks sa score na 111-101 kung saan kasalukuyan naman naglalaro sa game-4 ng Western Conference Playoffs ang Golden State Warriors at Portland Trailblazers.
DZXL558

Facebook Comments