Babaeng NPA, nasawi sa pakikipagsagupa sa militar sa Surigao Del Norte

Napatay ang isang babaeng miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos na magkasagupa ang tropa ng 30th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga NPA na miyembro ng Sentro‭ ‬De‭ ‬Grabedad,‭ ‬‬Guerilla‭ Front 16,‭ ‭‬North Eastern Mindanao Regional Committee.

Ayon kay 2nd Lt. Benjamin Elisand De Dios, Acting Civil-Military Operations Officer ng 30th Infantry Battalion, nagsasagawa ng security patrol ang mga sundalo sa may Camp Edward, Alegria, Surigao Del Norte nang makasagupa ang mga NPA.

Nagtagal ng 30 minuto ang sagupaan na ikinasawi ng babaeng rebelde habang dalawang sundalo naman ang nasugatan sa sagupaan.


Nakuha naman ng militar sa pinangyarihan ng sagupaan ang apat na matataas na kalibre ng armas ng mga nakasagupang rebelde na ngayon ay target na sa pursuit operation ng militar.

Facebook Comments