Babaeng pasahero ng MRT, naputulan ng kamay matapos mahagip ng tren

1973

Manila, Philippines – Naputulan ng kamay ang isang babaeng pasahero ng MRT-3 matapos na mahagip ng tren sa Northbound ng Ayala station.

Nangyari ang aksidente dakong alas 2:30 kaninang hapon.

Posible umanong na-out of balance ang hindi pa nakikilalang biktima kaya siya nahulog sa riles kung saan sakto namang dumaan ang tren.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima.

Dahil sa insidente, pansamantalang nagpatupad ng provisional service ang MRT mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations.

Iniimbestigahan na ng pamunuan ng Mrt at ng DOTr ang insidente.

Facebook Comments