US President Donald Trump, nakaalis na ng bansa

70

Manila, Philippines – Alas-3:26 ngayong hapon nang umalis ng bansa si US President Donald Trump.

Si Trump ay sakay ng air force 1.

Nabatid na napa-aga ang pag-alis ni Trump sa pilipinas mula sa orihinal na schedule nito alas-4 ng hapon.

Bukod kay Trump ay nakatakda na ring umalis ngayong hapon si Canadian Prime Minister Justine Trudeau at ang mga lider ng Russia at India.

Mamayang gabi naman aalis ng Pilipinas ang lider ng Australia, Brunei, Indonesia, Vietnam at Malaysia at ang kinatawan ng United Nations.

Facebook Comments