Babaeng pulis na may karelasyon umano sa isang miyembro ng Abu Sayaff, pinakakasuhan na ni PNP Chief Ronald Dela Rosa

278

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na kasuhan ang babaeng pulis na umano’y may koneksyon sa bandidong Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Dela Rosa – si Supt. Maria Christina Nobleza ay sangkot sa planong pag-rescue sa mga nagtatagong Abu Sayaff sa Bohol.


Karelasyon aniya nito ang isang miyembro ng abu sayaff na si reenor lou dongon.

Narekober sa kanila ang isang baril, mga bala ng 9 millimeter, laptop at cellphone.

Inatasan na rin ni bato na isampa ang lahat ng pwedeng isampa laban kay Supt. Nobleza.

Kabilang sa mga maaring ikaso kay Nobleza ay illegal possession of firearms, harboring criminal at conspiracy to commit terrorism.



Dahil mga high value targets ang mga nahuli ay Kampo Crame sila planong ikulong.


Facebook Comments