Tatlong miyembro ng Abu Sayaff, patuloy na tinutugis sa Bohol

Manila, Philippines – Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang tatlo pang miyembro ng Abu Sayaff na nakapasok sa Bohol.

Sinabi ni Clarin, Bohol Mayor Allen Piezas – mula sa barangay Bacani ay nakatuon ngayon ang militar sa barangay Bonbon.

Ayon kay Bohol Governor Edgar Chatto – sa malakas na opensiba ng militar, apat na bandido ang napatay kabilang ang kanilang lider na si Joselitmo Illoria na kabisado ang pasikot-sikot sa probinsya.


Ayon naman kay Police Regional Office 7 Director, Chief Supt. Noli Taliño – matataas na kalibre ng baril ang narekober sa mga napatay na terorista.

Para naman maalerto ang mga komunidad, binigyan na sila ng fliers na may mga mukha ng Abu Sayaff na pumasok sa Bohol.

Facebook Comments