Ayon kay Galiza, isang prestihiyosong parangal ang kanyang natanggap na dumaan sa masusing screening kaya labis ang kanyang pasasalamat sa mga taong nagtiwala sa kanya lalo na sa kanyang mga kasamahan sa PNP at sa kanyang pamilya na nagsilbi nitong inspirasyon sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa publiko sa loob na rin ng labing pitong taon.
Kaugnay nito ay sinabi ni Major Galiza na dahil sa natanggap nitong parangal ay malaking hamon ito para sa kanya dahil gusto nitong magsilbing imahe ng mga pulis na isang matuwid, maaasahan at madaling lapitan.
Ibinahagi rin ni Major Galiza na ilan sa mga naging batayan ng LGU Cauayan sa pagbibigay ng naturang parangal ay dahil sa kanyang mga naging accomplishments noong siya ay pinuno pa ng PCR at WCPD section ng PNP Cauayan na malaking ambag sa hanay ng pulisya ganun na rin sa peace and order ng Lungsod, mga magagandang adbokasiya, at ang kanyang pagiging matulungin.